PHOTOS SPEAK LOUDER THAN WORDS





   

<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31

ang mga nakaraang lathala ay matatagpuan sa kakaibang dingas ng petsa sa kalendaryo. SALAMAT!

Si Pnut Gritil ay isang promding naglalakbay sa pamamagitan ng kanyang pinakapaboritong sasakyan ang baby bus sa kanyang pinakapaboritong puwesto ang tabing bintana.

Nangangarap umusad ng kaunti ang buhay habang nagpapaalipin sa mga dayuhang hapon sa makabagong siglo.

Isang dakilang manggagawang pinoy na naglalaan ng kapiraso sa kakarampot na suweldo para sa buwis (para daw sa ikauunlad ng nalulugmok ng bayan), SSS (para sa pansariling kinabukasan), PAG ? IBIG (para sa bahay), Philhealth (para sa kaligtasan). Habang ang natitira ay ibinibigay pa sa mahal niyang ina.

Makabayan. Mapaglinlang. Medyo mayabang. May karamutan. Palakaibigan. At higit sa lahat madaldal with 2000 words per minute, sabang sari ? saring chismax ang alam, round the clock (dahil hindi natutulog ang chismis). Salamat sa mga sites... na nagpapahiram ng kani - kanilang mga ideya...

Kung merong dapat katakutan sa kanya ito ay ang kanyang 360 degrees na mata na may tendency na lumaki ng 3X the usual size at tulad ng isang halogen lamp sa liwanag.

Pero salamat sa mga matang ito dahil ito ang saksi sa everyday living. Patunay lang na ang lahat ng nasusulat sa blog na ito ay true to life (oo, inaamin ko na) experience/s hindi lang ng otor pati na rin ng ibang living and non living things, today, yesterday and tomorrow.

Pinagpagurang ilathala ni Pnut Gritil ang tunay na all around clerk. MGA LARAWAN
(s u l y a p)


PINOY BIG BROTHER FAN ART

TULA - TULAAN
(tse tse buretse)


TIPS SA BUHAY
(smart tips)


V i R i D i A n RooM

C R i M s O n RooM

isang tula para kay gretzki
ni Andres Confessor Jr

nakakapanibago
ang takbo ng oras
waring hinihila
ang bawat silahis ng sinag
ng araw na lumulusot
sa munti kong lungga
na binalot ng katahimikan

nakakapanibago
ang katahimikang
bumabalot sa tikladong
dati-rati'y hayok sa
pagluluwal ng mga salitang
pilit na ipinagtatagpi-tagpi
upang makabuo ng diwang
salungat sa nilulunggati
ng posturang nakahuklo

nakakapanibago
ang posturang nakahuklo
sa upuang pinagsawaan ng
ilang makata
ang nangungupas na
telang balot ang kaulayaw
ng bawat tagaktak ng pawis
sa saliw ng hatsing
at tikatik ng mouse
ng kaluluwang lumulutang

nakakapanibago
ang kaluluwang lumulutang
sa bawat linya ng tulang
hinahabi at pagdaka'y
ibabaon sa tampipi
ng kahapong kinalimutan
upang muling iguhit
ang mga bakas
na binura
ng takbo ng oras

isang simpleng blog

na ginawa ng isang simpleng tao

para sa sabihin sa kapwa niya,

"hindi ka nag - iisa . . .

pareho lang tayo"

"kung may pagkukulang ka . . .

ganun din ako"

"kung me pagkakamali ka . . .

parehas lang tayo"

kaya hindi pansarili itong blog na ito

para sa ating dalawa

para sa ating buhay

na puwede nating pagkuwentuhan

kahit anong oras at araw

basta't eto tayo pareho

sa masaya man o sa lungkot

ay laging magkasama

makikinig,
magsasalita
tatawa
iiyak
maiinis
at pagkatapos ng lahat

sasabihin natin...

Lord... salamat!



WINDMILLS OF THE GODS by Sidney Sheldon
Veronika decides to Die at 11 Minutes by Paulo Coelho


IT WAS ON FIRE WHEN I LAY DOWN ON IT
BY THE RIVER PIEDRA I SAT DOWN AND WEPT
ALL I NEED TO KNOW I LEARNED IN KINDERGARTEN
THE SUMMONS
CHOCOLATE FOR A WOMAN'S COURAGE
THIS IS MY STORY
STAINLESS LONGANISA
HARRY POTTER 6
The Testament by John Grisham
Tuesdays with Morrie by Mitch Albom
The Five People You Meet in Heaven by Mitch Albom
Da Vinci Code by Dan Brown
Angels and Demons by Dan Brown
Deception Point by Dan Brown


INQUIRER
TV PATROL



D R E A M C A T C H E R
B O K A L I S T A
CHANGING LANES
K O R E A N L i F E
C R U i S i N'
IRIDESCENCE
BUNTONG HININGA
PRINCESS BARBIE
T R i P O D
HUNTER SEEKER
P S Y C H E D E L i C
D U K H A
POINT BLANK
BUTTERED GULAMAN
ALL ABOUT US
MARHGIL'S KUKOTE
PIECES OF ME
YOUR LOVE
JEN's BLOG
B U H A N G O O K
R E F L E C T I O N S
PROUD TO BE SINGLE
THE SWEETEST THING...
TSOKNAT WORLD
ICE QUEEN
TRANQUIL CORNER
TIGHT ROPE WALKER


P R a Y e R R e Q u e S T
FRIENDSTER
P E Y U P S
P A N I T I K A N
DIGITAL PINOY
DE LA SALLE UNIVERSITY - DASMARIсS
HERALDO FILIPINO
YAHOO!
NATIONAL BOOKSTORE
PINOY BIG BROTHER
2005 PHILIPPINE BLOG AWARDS
PHOTOBUCKET
23rd SEA GAMES



Global Nation | Celebrating the  Filipino Spirit!
If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed


Saturday, September 27, 2008
Two xs and one y

It was one of those humble nights

 

I called his name, with lambing sa dulo (I dont know if he noticed it) during his walk to the comfort room.

 

He said, saglit lang. And I waited.

 

After a few minutes, he grabbed a chair and sat beside me.

 

And we talked, a getting to know each other conversation that started with love thing.

 

He said he wanted to know more about my love life. (Grabe ang haba lang ng hair ng lola mo)

 

Marami kang dapat ikuwento, he said.

 

Weh?! my reaction.

 

Shoot!

 

May girlfriend ka na?

Wala.

Pero nagka girlfriend ka na?

Hmmmmm hindi girlfriend...

Eh ano?

 

And he is thinking for the right term to define his previous relationship.

 

Casual.

Casual? How is that? M.U?

hmmmm not so.

Illegal?

Hindi rin.

Legal

Not much

 

Gosh!!! Whatever that is.

 

What happened?

Wala lang, it just ended. Kasi nga casual lang.

 

Ok. Now I am starting to know what a casual girlfriend is.

 

How about now?

Hmmmmm kung dumating siya eh di siya.

 

Naks! Safe answer.

 

Alam mo ba, I thought its you and <another girly from the block>

Hindi noh.

But you are close talaga.

Were just friends

Eh, what do you like in a girl ba?

Yung tipong mapapalingon ako?

Yup!

Siguro yung may hitsura.

Oh men! Given na iyon eh, always looking for the physical appearance.

And everything follows.

 

Hehe feeling mo naman guwapo ka!

 

Ikaw? Hes pertaining to me.

Nagkaboyfriend ka na?

Yup! Ang blunt ko talaga.

I got two ex-es and

one y?

Yup two ex-es and one y.

 

I liked the way he call it.

 

My first ex is a showbiz personality, meaning, taga dito siya. We broke up. dot dot dot

 

Siguro sabi niya sa sarili, interesting.

 

And so I continue

 

My second ex is non showbiz. But he got most of the yes votes around here. Kaya lang its another failed relationship, we broke up after a year. On the other hand, si Y naman only lasted for a couple of days. Hes a good friend, kaya lang basta its all my fault.

 

And with this age of yours, hindi ka ba naghahanap?

 

At 29, kailangan ko ba talagang maghanap?

 

Well, I am not searching but I am not closing doors. God will provide naman eh. God will create the best love story of our lives naman, in His time. As of the moment, Ill just do my thing muna, photography, travel, marami pa akong gustong gawin

 

puwede ba bago mo gustong gawin ang mga gagawin mo loadan mo muna ako

sure! Number mo po how much?


Posted at 08:29 pm by pages
Make a comment  

Sunday, July 06, 2008
photographer, lensman, kodaker... or whatever you want you want to call it

Photographer daw ba ako?

Turista daw ba ako?

Nagtratrabaho daw ba ako sa isang dyaryo?

Yan ang pangkaraniwang tanong na itinatanong sa akin ngayon, mula nang binili ko si Nikon D40. Para bang nag iba ang estado ko sa buhay tuwing may makakakitang nakasabit sa leeg ko ang aking entry level DSLR.

Kung alam lang nila inutang ko lang iyon. Hehe...

Pero ang point kasi dun, para bang nagtratrabaho sa isang dyaryo or isang turista ang dapat mag may ari ng ganun.... Gosh! Kung alam nila na parang kabute nang nag uusbungan ang mga photographers ngayon. AT higit sa lahat... lahat sila nakahihigit sa akin. huhu!

Pero kahit ganun... hindi pa rin ako nagpapatalo sa kanila. Kahit kulang sa experience at nagrerely lang sa mga artiks sa internet tungkol sa photography at walang knowledge sa ganitong aspeto ng pamumuhay... natututo rin ako at higit sa lahat nakikipagsabayan.

Yun nga lang, hindi ko alam kung nakakasabay ba ako sa kanila.

Kulang pa ako sa investment. Mahal din naman kasi ang ganitong hobby. Sa lens lang 9k na yung pinaka mababa na alam ko. sa mini studio pa, sa mga cd ng workshop at mga seminars na kailangang attenan... kailangan kong mag ipon... starting this day...

anyway, yun pong mga works ko makikita niyo sa www.pnutgritil.multiply.com


Posted at 09:39 pm by pages
Make a comment  

Wednesday, March 28, 2007
praise God...


Posted at 12:52 pm by pages
Make a comment  

Thursday, March 22, 2007
tutubi tutubi wag kang magpahuli sa batang mapanghi


Posted at 12:29 pm by pages
Make a comment  

Monday, March 19, 2007
manila lights


Posted at 12:36 pm by pages
Make a comment  

Next Page