Entry: photographer, lensman, kodaker... or whatever you want you want to call it Sunday, July 06, 2008



Photographer daw ba ako?

Turista daw ba ako?

Nagtratrabaho daw ba ako sa isang dyaryo?

Yan ang pangkaraniwang tanong na itinatanong sa akin ngayon, mula nang binili ko si Nikon D40. Para bang nag iba ang estado ko sa buhay tuwing may makakakitang nakasabit sa leeg ko ang aking entry level DSLR.

Kung alam lang nila inutang ko lang iyon. Hehe...

Pero ang point kasi dun, para bang nagtratrabaho sa isang dyaryo or isang turista ang dapat mag may ari ng ganun.... Gosh! Kung alam nila na parang kabute nang nag uusbungan ang mga photographers ngayon. AT higit sa lahat... lahat sila nakahihigit sa akin. huhu!

Pero kahit ganun... hindi pa rin ako nagpapatalo sa kanila. Kahit kulang sa experience at nagrerely lang sa mga artiks sa internet tungkol sa photography at walang knowledge sa ganitong aspeto ng pamumuhay... natututo rin ako at higit sa lahat nakikipagsabayan.

Yun nga lang, hindi ko alam kung nakakasabay ba ako sa kanila.

Kulang pa ako sa investment. Mahal din naman kasi ang ganitong hobby. Sa lens lang 9k na yung pinaka mababa na alam ko. sa mini studio pa, sa mga cd ng workshop at mga seminars na kailangang attenan... kailangan kong mag ipon... starting this day...

anyway, yun pong mga works ko makikita niyo sa www.pnutgritil.multiply.com

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments